Martial Law Series Part 3 | Tinig Ng Pakikipaglaban
Writer, Journalist, and Martial Law Victim Jose F. “Pete” Lacaba shares how fighting against Martial Law took many forms and how is brother, Eman, was pushed by the growing authoritarianism of Martial Law, into armed struggle which ultimately led to his capture, torture, and death at the hands of State forces in Mindanao. As one of thousands of Filipinos who took a stand against Martial Law, he wrote the acrostic poem “Prometheus Unbound” under the nom de plume Ruben Cuevas. When printed, the first letters of each line spelled out “MARCOS HITLER DIKTADOR TUTA” that called out the Marcos Regime as akin to Hitler’s Germany.
This is a series of short informative videos produced by the National Historical Commission of the Philippines on the Martial Law Period (1972-1986).
—
Ibinahagi ng manunulat at biktima ng Batas Militar na si Jose F. “Pete” Lacaba ang iba’t ibang pamamaraan ng pakikibaka sa Batas Militar at kung papaano nahubog ng mga paghihirap sa ilalim nito ang kanyang kapatid na si Eman na sumapi sa armadong pakikibaka na naging mitsa ng kanyang pagkakadakip at pagkamatay sa kamay ng mga pwersa ng estado sa Mindanao. Bilang isa sa libu-libong nanindigan laban sa Batas Militar, isinulat ni Lacaba ang tulang “Prometheus Unbound” para sa isang pahayagang malapit sa mga Marcos sa ilalim ng nom de plume na Ruben Cuevas. Nang mailathala ang tula, binuo ng unang titik ng bawat linya ang “MARCOS HITLER DIKTADOR TUTA” na naghambing sa rehimeng Marcos sa Alemanya noong panahon ng pamumuno ng Hitler.
Ang bidyong ito ay bahagi ng isang serye ng mga bidyong ginawa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas tungkol sa Panahon ng Martial Law (1972-1986).
