Martial Law Series Part 1 | Sa Kapit ng Kamao

On 21 September 1972, President Ferdinand E. Marcos signed Proclamation No. 1081 that put the entire Philippines under a state of Martial Law. This was borne from years of preparations and planning prior to its enactment. The period of Martial Law in the Philippines would usher an additional 14 years of rule for the twice elected President and would see 50,000 people arrested and imprisoned, many citizens subject to torture and intimidation, and thousands killed and disappeared outright. The victims of Martial Law came from all corners of Filipino society and saw total state power consolidated in the hands of Marcos and his cronies.

This is a series of short informative videos produced by the National Historical Commission of the Philippines on the Martial Law Period (1972-1986).

—

Noong ika-21 ng Setyembre 1972, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Proclamation No. 1081 na naglagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar. Ang pangyayaring ito ay bunga ng ilang taong paghahanda at pagpaplano bago maisaktuparan. Ang panahon ng Batas Militar ay naging mitsa ng labing-apat na taon ng kapangyarihan kay Marcos, lagpas sa dalawang termino kung saan siya ay inihalal at magiging daan sa pagaresto’t pagkakabilanggo sa mahigit limampung libong katao kung saan maraming mamamayan ang pinahirapan at tinakot, at libu-libo ang pinaslang at di na muling nakita. Ang mga biktima ng Batas Militar ay nagmula sa lahat ng bahagi ng lipunang Pilipino habang kinamkam ni Marcos at ng kanyang mga Crony ang lahat ng kapangyarihan ng Pamahalaan.

Ang bidyong ito ay bahagi ng isang serye ng mga bidyong ginawa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas tungkol sa Panahon ng Martial Law (1972-1986)

Martial Law Series Part 1 | Sa Kapit ng Kamao